Unilateral declaration of ceasefire during opening of peace talks

[Pilipino»]

Upon the recommendation of the Negotiating Panel of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP), the Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP) and the National Operational Command of the New People’s Army (NPA) hereby unilaterally declares to all commands and units of the NPA and the people’s militia a ceasefire to celebrate and bolster the formal resumption of peace talks between the NDFP and the Government of the Republic of the Philippines (GRP).

This unilateral declaration of ceasefire shall be in effect from: 12:01 a.m. of August 21, 2016 to 11:59 p.m. of August 27, 2016 to coincide with the formal resumption of NDFP-GRP peace negotiations to be held in Oslo, Norway.

This ceasefire declaration is encouraged by the GRP’s facilitation of the release of 14 of the 22 detained NDFP consultants who are set to participate in peace negotiations in the course of the next several months.

During the ceasefire period, all NPA units and people’s militia shall cease and desist from carrying out offensive military campaigns and operations against the uniformed armed personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) of the Government of the Republic of the Philippines.

Personnel of the AFP and PNP who have no serious liabilities other than their membership in their armed units shall not be subjected to arrest or punitive actions. They may be allowed individually to enter the territory of the people’s democratic government to make personal visits to relatives and friends.

All units of the NPA and the people’s militias shall remain on defensive mode at both the strategic and tactical levels. They shall nonetheless maintain a high degree of militancy and vigilance against any hostile actions or movements by enemy armed forces with the aim of encirclement and suppression.

The NPA shall consider as hostile action encroachments on the territory of the people’s democratic government by operating troops of the AFP and its paramilitaries to conduct surveillance, psywar and other offensive operations that are labelled as “peace and development”, “civil-military”, “peace and order” and “law enforcement” operations.

Active-defense operations by the NPA shall be undertaken only in the face of clear and imminent danger and actual armed attack by the enemy forces and only after exhausting counter-maneuvers to avoid armed encounters.

All leading organs and branches of the CPP, commands and units of the NPA and people’s militias and revolutionary mass organizations shall closely monitor any hostile actions, provocations or movements being carried out by the enemy armed forces. Such information should be reported to the concerned commands of the New People’s Army and leadership of the Communist Party of the Philippines.


Unilateral na Deklarasyon ng tigil-putukan sa pagbubukas ng usapang pangkapayapaan

Sa rekomendasyon ng Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), unilateral na idinideklara ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ng Pambansang Pamatnugutan sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa lahat ng kumand at yunit ng BHB at ng milisyang bayan ang kautusang tigil-putukan upang suportahan at palakasin ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP and ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at upang tumulong sa pagpapalakas ng nasabing usapan.

Ang unilateral na deklarasyon ng tigil-putukan ay magkakabisa mula: 12:01 n.u. ng Agosto 21, 2016 hanggang 11:59 n.g. ng Agosto 27, 2016 upang sumabay sa pormal na muling pagpapatuloy ng negosasyong pangkapayapaang NDFP-GRP na gaganapin sa Oslo, Norway.

Ang deklarasyong tigil-putukan na ito ay hinimok ng pagbibigay-daan ng GRP sa pagpapalaya ng 14 sa 22 nakadetineng konsultant ng NDFP na nakatakdang lumahok sa usapang pangkapayapaan sa susunod na ilang buwan.

Sa panahon ng tigil-putukan, lahat ng yunit ng BHB at milisyang bayan ay titigil at pipigil na magsagawa ng opensibang mga kampanya at operasyong militar laban sa unipormadong tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas.

Ang mga tauhan ng AFP at PNP na walang seryosong pananagutan maliban sa pagiging kasapi ng kanilang armadong mga yunit ay hindi maipaiilalim sa pag aaresto o pamamarusa. Maaari silang pahintulutang indibidwal na pumasok sa teritoryo ng demokratikong pamahalaang bayan upang personal na dumalaw sa mga kamag-anak o kaibigan.

Lahat ng yunit ng BHB at ng milisyang bayan ay pansamantalang titigil sa opensiba at mananatili sa depensibang postura kapwa sa estratehiko at taktikal na antas. Gayunpaman, paiiralin nila ang mataas na antas ng militansya at pagkamapagbantay laban sa anumang palaban na aksyon o pagkilos ng mga armadong pwersa ng kaaway na naglalayong mangubkob at manlipol.

Ituturing ng BHB na palabang aksyon ang pagpasok sa teritoryo ng demokratikong pamahalaang bayan ng mga tropang pang-operasyon ng AFP at ng mga paramilitar nito upang magsagawa ng paniniktik, saywar at ibang opensibang operasyon na tinataguriang mga operasyong ng “peace and development”, “civil-military”, “peace and order” at “law enforcement”.

Magsasagawa ang BHB ng mga operasyong aktibong depensa sa harap lamang ng malinaw at napipintong panganib o aktwal na armadong pagsalakay ng mga pwersa ng kaaway at matapos gawin ang lahat ng maaaring kontra-maniobra upang maiwasan ang armadong sagupaan.

Lahat ng namumunong organo at sangay ng PKP, kumand at yunit ng BHB at milisyang bayan at rebolusyonaryong organisasyong pangmasa ay mahigpit na magmomonitor ng anumang palabang aksyon ng mga armadong pwersa ng kaaway. Ang gayong impormasyon ay dapat iulat sa nauukol na mga kumand ng Bagong Hukbong Bayan at pamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas.