Posts

Unilateral Declaration of Interim Ceasefire

[Pilipino »]

The Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP) and the National Operational Command of the New People’s Army (NPA) hereby declare to all commands and units of the NPA and people’s militias an interim ceasefire in line with the recommendation of the Negotiating Panel of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and in pursuit of the August 26 Joint Statement of the NDFP and Government of the Republic of the Philippines (GRP) on the resumption of formal peace negotiations.

This unilateral declaration of interim ceasefire is being issued by the CPP and NPA to further promote peace negotiations between the NDFP and the GRP and boost efforts to accelerate it. It reciprocates the indefinite ceasefire issued by the GRP President last August 21.

This unilateral declaration of interim ceasefire shall take effect today and will remain valid during the course of peace negotiations until superceded by a ceasefire agreement to be issued jointly by the NDFP with the GRP within the next 60 days or until a notice of termination of this ceasefire declaration takes effect 10 days after receipt of said notice by the GRP Negotiating Panel from the NDFP Negotiating Panel.

The CPP and NPA are encouraged by the positive outcome of the resumption of formal talks held in Oslo, Norway on August 22-26. The
revolutionary forces in the Philippines look forward to vibrant talks in the course of the next few months to discuss (a) social and economic reforms, (b) political and constitutional reforms, and (c) end of hostilities and disposition of forces.

The issuance of this interim ceasefire declaration is further encouraged by the prospective release of all political prisoners and
remaining detained consultants of the NDFP through the issuance of an Amnesty Proclamation by the GRP President. These prisoners were arrested under the Arroyo and Aquino regimes in violation of the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law and the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.

During the interim ceasefire period, all NPA units and people’s militia shall cease and desist from carrying out offensive military campaigns and operations against the uniformed armed personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) of the GRP.

Personnel of the AFP and PNP who have no serious liabilities other than their membership in their armed units shall not be subjected to arrest or punitive actions. They may be allowed individually to enter the territory of the people’s democratic government to make personal visits to relatives and friends.

While all units of the NPA and the people’s militias shall be on defensive mode at both the strategic and tactical levels, they shall nonetheless maintain a high degree of militancy and vigilance against any hostile actions, provocations or movements of the enemy armed forces including encroachment on the territory of the people’s democratic government, surveillance and other offensive operations that are labelled as “peace and development”, “civil-military”, “peace and order”, “anti drugs campaign,” “medical missions” or “law enforcement.”

Active-defense actions shall be undertaken only in the face of clear and imminent danger and actual armed attack by the enemy forces and only after exhausting counter-maneuvers to avoid armed encounters.

All leading organs and branches of the CPP, commands and units of the NPA and people’s militias and revolutionary mass organizations shall monitor any hostile actions, provocations or movements carried out by the enemy armed forces that undermine the spirit of the ceasefire declarations. These should be promptly reported to the concerned commands of the NPA and leadership of the CPP.

While ceasing offensive military operations, the NPA will continue to enforce policies and laws of the people’s democratic government, perform appropriate functions of governance, and mobilize the people and resources in territories under its authority, including:

  1. maintaining peace and order including suppression of criminal groups such as drug traffickers and operators of the drug trade and large-scale gambling, private armies and private armed groups of warlords, local tyrants and vigilante groups, as well as spies.
  2. enforcing local economic policies pertaining to land rent, usurious loans, wages and others.
  3. enforcing policies for the protection of the environment and defense of the interests of national minorities, peasants and workers affected by large-scale mining, logging and plantation operations.

Furthermore, as a cultural, political and service organization, the NPA will continue to dispatch its forces to carry out educational campaigns especially on progress of peace negotiations, cultural activities, medical missions and production support campaigns.


Unilateral na Deklarasyon ng pansamantalang tigil-putukan

Komite Sentral, Partido Komunista ng Pilipinas at
Pambansang Kumand sa Operasyon, Bagong Hukbong Bayan

Agosto 28, 2016

Idinedeklara ngayon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ng Pambansang Kumand sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa lahat ng kumand at yunit ng BHB at mga milisyang bayan ang isang pansamantalang tigil-putukan alinsunod sa rekomendasyon ng Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at bilang pagtaguyod sa Magkasamang Pahayag ng NDFP at ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) nitong Agosto 26 tungkol sa muling pagsisimula ng pormal na negosasyong pangkayapaan.

Itong unilateral na deklarasyon ng pansamantalang tigil-putukan ay inilalabas ng PKP at BHB upang ibayong itaguyod ang negosasyong pangkapayapaan ng NDFP at GRP at itulak ang pagpapabilis nito. Tinutumbasan nito ang walang-taning na tigil-putukang inilabas ng Presidente ng GRP noong Agosto 21.

Magkakabisa ngayong araw itong unilateral na deklarasyon ng pansamantalang tigil-putukan at mananatiling maybisa sa panahon ng usapang pangkapayapaan hanggang sa palitan ng isang kasunduan sa tigil putukan na magkasamang ilalabas ng NDFP kasama ang GRP sa loob ng 60 araw o hanggang magkabisa sa loob ng 10 araw ng pagtanggap ng Negotiating Panel ng GRP ang isang pabatid ng pagtatapos sa deklarasyon sa tigil putukan mula sa Negotiating Panel ng NDFP.

Ang PKP at BHB ay nahihikayat ng positibong bunga ng muling pagbubukas ng pormal na pag-uusap sa Oslo, Norway nitong Agosto 22-26. Umaasa ang mga rebolusyonaryong pwersa sa Pilipinas sa masigasig na pag-uusap sa darating na ilang buwan tungkol sa (a) mga repormang panlipunan at pang ekonomya; (b) mga reporma sa pulitika at konstitusyon; at (c) pagtatapos ng mga labanan at disposisyon ng mga pwersa.

Ang paglalabas nitong deklarasyon sa pansamantalang tigil-putukan ay lalong nahihikayat ng inaasahang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal at ng nalalabi pang mga konsultant ng NDFP sa pamamagitan ng paglalabasng Amnesty Proclamation ng Presidente ng GRP. Ang mga bilanggo na ito ay inaresto sa ilalim ng rehimeng Arroyo at Aquino na labag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.

Sa panahon ng pansamantalang tigil-putukan, tatapusin at ihihinto ng lahat ng yunit ng BHB at milisyang bayan ang paglulunsad ng mga opensibong kampanya at operasyong militar laban sa mga unipormadong armadong tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ng GRP.

Ang mga tauhan ng AFP at PNP na walang seryosyong kaso liban sa pagiging myembro ng kanilang armadong yunit ay hindi aarestuhin o parurusahan. Maaari silang paisa-isang pumasok sa mga teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan para sa mga personal na pagbisita sa kanilang mga kamag anak at kaibigan.

Habang lahat ng yunit ng BHB at milisyang bayan ay mananatiling nasa depensibong katayuan kapwa sa estratehiko at taktikal na antas, pananatilihin pa rin nila ang mataas na antas ng militansya at pagiging mapagbantay laban sa mapandigmang kilos, probokasyon o kilos ng mga armadong pwersa ng kaaway kabilang ang pagpasok sa teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan, paniniktik at iba pang opensibong operasyon na tinataguring “peace and development”, “civil-military”, “peace and order”, “kampanyang anti-droga”, “medical mission” o “pagpapatupad ng batas”.

Ilulunsad lamang ang mga hakbanging aktibong-pagdepensa sa harap ng malinaw at napipintong peligro o aktwal na armadong atake ng kaaway at matapos lamang na mga kontra-maniobra para umiwas sa armadong engkwentro.

Dapat subaybayan lahat ng namumunong organo at sangay ng PKP, kumand at yunit ng BHB at milisyang bayan at rebolusyonaryong organisasyong masa anumang mapandigmang kilos, probokasyon at pagkilos ng armadong pwersa ng kaaway na sumisira sa diwa ng mga deklarasyon sa tigil-putukan. Lahat ito’y dapat agad na iulat sa nauukol na kumand ng BHB at pamunuan ng PKP.

Habang inihihinto ang mga opensibong operasyong militar, ipagpapatuloy ng BHB ang pagpapatupad ng mga patakaran at batas ng demokratikong gubernong bayan, patuloy na ipatutupad ang gawain sa panggugubyerno at pakikilusin ang bayan at rekurso sa mga teritoryo sa ilalim ng awtoridad nito, kabilang ang:

  1. pagmantine ng kapayapaan at kaayusan kabilang ang pagsupil sa mga grupong kriminal tulad ng mga opereytor ng drug trafficking at malakihang sugal, mga private army at armadong grupo ng mga warlord, lokal na tirano at mga grupong vigilante, pati na mga espiya.
  2. pagtupad ng mga patakaran sa ekonomya na pumapatungkol sa upa sa lupa, usura, sahod at iba pa.
  3. pagtupad ng batas para sa pangangalaga ng kalikasan at pagtatanggol sa interes ng mga pambansang minorya, magsasaka at mga manggagawa na apektado ng malakihang pagmimina, pagtotroso at mga operasyon ng plantasyon.

Dagdag pa, bilang isang organisasyong pangkultura, pampulitika at panserbisyo, ipagpapatuloy ng BHB ang pagpapakat ng mga pwersa nito para magsagawa ng mga kampanyang pang-edukasyon, laluna tungkol sa takbo ng negosasyong pangkapayapaan, mga aktibidad pangkultura, pagbibigay ng serbisyong medikal at paglulunsad ng mga kampanya pamproduksyon.

[Related post: Next round of talks crucial, needed reforms on the agenda »]

Unilateral declaration of ceasefire during opening of peace talks

[Pilipino»]

Upon the recommendation of the Negotiating Panel of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP), the Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP) and the National Operational Command of the New People’s Army (NPA) hereby unilaterally declares to all commands and units of the NPA and the people’s militia a ceasefire to celebrate and bolster the formal resumption of peace talks between the NDFP and the Government of the Republic of the Philippines (GRP).

This unilateral declaration of ceasefire shall be in effect from: 12:01 a.m. of August 21, 2016 to 11:59 p.m. of August 27, 2016 to coincide with the formal resumption of NDFP-GRP peace negotiations to be held in Oslo, Norway.

This ceasefire declaration is encouraged by the GRP’s facilitation of the release of 14 of the 22 detained NDFP consultants who are set to participate in peace negotiations in the course of the next several months.

During the ceasefire period, all NPA units and people’s militia shall cease and desist from carrying out offensive military campaigns and operations against the uniformed armed personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) of the Government of the Republic of the Philippines.

Personnel of the AFP and PNP who have no serious liabilities other than their membership in their armed units shall not be subjected to arrest or punitive actions. They may be allowed individually to enter the territory of the people’s democratic government to make personal visits to relatives and friends.

All units of the NPA and the people’s militias shall remain on defensive mode at both the strategic and tactical levels. They shall nonetheless maintain a high degree of militancy and vigilance against any hostile actions or movements by enemy armed forces with the aim of encirclement and suppression.

The NPA shall consider as hostile action encroachments on the territory of the people’s democratic government by operating troops of the AFP and its paramilitaries to conduct surveillance, psywar and other offensive operations that are labelled as “peace and development”, “civil-military”, “peace and order” and “law enforcement” operations.

Active-defense operations by the NPA shall be undertaken only in the face of clear and imminent danger and actual armed attack by the enemy forces and only after exhausting counter-maneuvers to avoid armed encounters.

All leading organs and branches of the CPP, commands and units of the NPA and people’s militias and revolutionary mass organizations shall closely monitor any hostile actions, provocations or movements being carried out by the enemy armed forces. Such information should be reported to the concerned commands of the New People’s Army and leadership of the Communist Party of the Philippines.


Unilateral na Deklarasyon ng tigil-putukan sa pagbubukas ng usapang pangkapayapaan

Sa rekomendasyon ng Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), unilateral na idinideklara ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ng Pambansang Pamatnugutan sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa lahat ng kumand at yunit ng BHB at ng milisyang bayan ang kautusang tigil-putukan upang suportahan at palakasin ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP and ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at upang tumulong sa pagpapalakas ng nasabing usapan.

Ang unilateral na deklarasyon ng tigil-putukan ay magkakabisa mula: 12:01 n.u. ng Agosto 21, 2016 hanggang 11:59 n.g. ng Agosto 27, 2016 upang sumabay sa pormal na muling pagpapatuloy ng negosasyong pangkapayapaang NDFP-GRP na gaganapin sa Oslo, Norway.

Ang deklarasyong tigil-putukan na ito ay hinimok ng pagbibigay-daan ng GRP sa pagpapalaya ng 14 sa 22 nakadetineng konsultant ng NDFP na nakatakdang lumahok sa usapang pangkapayapaan sa susunod na ilang buwan.

Sa panahon ng tigil-putukan, lahat ng yunit ng BHB at milisyang bayan ay titigil at pipigil na magsagawa ng opensibang mga kampanya at operasyong militar laban sa unipormadong tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas.

Ang mga tauhan ng AFP at PNP na walang seryosong pananagutan maliban sa pagiging kasapi ng kanilang armadong mga yunit ay hindi maipaiilalim sa pag aaresto o pamamarusa. Maaari silang pahintulutang indibidwal na pumasok sa teritoryo ng demokratikong pamahalaang bayan upang personal na dumalaw sa mga kamag-anak o kaibigan.

Lahat ng yunit ng BHB at ng milisyang bayan ay pansamantalang titigil sa opensiba at mananatili sa depensibang postura kapwa sa estratehiko at taktikal na antas. Gayunpaman, paiiralin nila ang mataas na antas ng militansya at pagkamapagbantay laban sa anumang palaban na aksyon o pagkilos ng mga armadong pwersa ng kaaway na naglalayong mangubkob at manlipol.

Ituturing ng BHB na palabang aksyon ang pagpasok sa teritoryo ng demokratikong pamahalaang bayan ng mga tropang pang-operasyon ng AFP at ng mga paramilitar nito upang magsagawa ng paniniktik, saywar at ibang opensibang operasyon na tinataguriang mga operasyong ng “peace and development”, “civil-military”, “peace and order” at “law enforcement”.

Magsasagawa ang BHB ng mga operasyong aktibong depensa sa harap lamang ng malinaw at napipintong panganib o aktwal na armadong pagsalakay ng mga pwersa ng kaaway at matapos gawin ang lahat ng maaaring kontra-maniobra upang maiwasan ang armadong sagupaan.

Lahat ng namumunong organo at sangay ng PKP, kumand at yunit ng BHB at milisyang bayan at rebolusyonaryong organisasyong pangmasa ay mahigpit na magmomonitor ng anumang palabang aksyon ng mga armadong pwersa ng kaaway. Ang gayong impormasyon ay dapat iulat sa nauukol na mga kumand ng Bagong Hukbong Bayan at pamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas.